Sunday, June 22, 2008

______________________________

inip na inip na 'ko...




mag e-eight months na ko sa thursday, pero feeling ko ang tagaaaal-tagal ko nang buntis. inip na inip na ko sa kondisyon kong lagi na lang kailangang mag ingat kasi naiinis ako pag nakakalimutan ko!

ang hirap mag adjust pag mabilis ka kumilos tapos ngayon kailangan slow motion lahat. minsan nawawala sa isip ko na hindi pwedeng umupo ng mabilis, o maglakad ng mabilis, o kumilos ng mabilis. tulad nung muntik nang malaglag yugn macbook ko, super salo pa ko, e nakalimutan kong malaki pala ang tyan ko. hindi naman ako nagbend, so sa tingin ko wala namang masamang nangyari sa baby, pero kinabahan pa rin ako kasi tumigas yung tyan ko sandali... yiii...

naabutan pa nga ako ni bambi na umiiyak nung isang biyernes. ang takot nya naman daw. kala nya kung ano. bakit ako umiiyak? kase hirap na hirap ako kumilos nung araw na yon. lahat nalalaglag, sa panahong hirap na hirap ka yumuko o magbend para kunin yung mga bagay na nasa sahig. sa office lahat ng nalalalaglag sinusumpa ko. kasi ang hirap kumilos! tapos nung araw na yun wala na akong masuot dahil either masikip o hanging na sila. kaya ang ginawa ni bambi pinasuot nya sakin yung mga damit nya.

cute daw. anong cute, mukha akong lalaking malaki ang tyan kakainom. ayoko nga magsuot ng mga panlalaking damit pag buntis ako e. gusto ko mga pambabae. simula nung pinatanggal nya sakin yung tongue ring ko nawalan na ko ng interes maging rakista. kaya last month tinanggal ko na rin yung mga hikaw at singsing ko.

sabi ni eyang wag daw ako umiyak kasi baka isipin ng baby ko na ayoko sa kanya. hindi naman sa ganon. nakakafrustrate lang talaga minsan.

di bale ilang araw na lang. siguro kaya ako naiinip kasi excited na excited na kong makita ang baby ko. lagi nga akong nangangarap na nilalaro sya e. ano kayang itsura nya, sinong kamukha nya, at ano kaya ang mangyayari samin ni bambi ngayong 3 na kami.

tatlo na kami? in seven years solo lang namin ang isa't isa tapos sa august tatlo na kami... nakakatakot na nakakaexcite...

na nakakakaba. pano kaya manganak? iniisip ko, sa 6 billion na tao sa mundo ngayon, 6 billion times na nanganak ang mga babae, so bakit ako matatakot? in 10,000 years, napaka-common na dapat ang panganganak. bakit sya nakakatakot?

pero kung kaya ni shasha, kung kaya ni alot, kung kaya ng mama ni bambi at ng mama ko na magtotally drug-free at solohin lahat ng sakit ng homebirth, bakit ako matatakot kung sa ospital pa nga ako manganganak?

pinapapanatag ko na lang ang sarili ko at iniisip na kasama ko naman si bambi kaya di ako dapat matakot. at least meron akong pipigain na braso pag hindi ko na kaya ang sakit. merong magsasabi na kaya ko. at merong mas mauuna pang mahimatay sakin pag nakakita ng dugo HAHAHA!


*excerpts from my pretty mixed-up life*|11:31 AM|

Monday, June 02, 2008

______________________________

7 years, and im still madly in love with him


HAPPY 7TH ANNIVERSARY BAMBI!

ang sarap talaga mag reminisce ng past lalo na pag love story nyo ang pinag uusapan... minsan hanggang madaling araw nagkukwentuhan kami.

naisip ko ngayong hapon bago ako matulog, ang dami na pala naming napagdaanan. kung iisipin, ilang beses na rin kaming naghiwalay. distance-wise huh... dahil isang beses lang kaming nagbreak in 7 years - nung nagpunta ako ng dubai at pinaranoid ng lola ko si bambi.

naiyak nga ako kasi naalala ko nung paalis ako papuntang dubai, ang hirap talaga umalis sa naia airport. lumabas pa ko ulit tapos wala na sya don (sya lang kasi mag-isa ang naghatid sakin) at bumaba pa ko sa arrival para habulin sya. at mas lalo ko lang palang pinahirapan ang sarili ko kasi mas lalong masakit yung yakapin ka nya uli at alam mong matagal pa uli bago mo maramdaman yung yakap nya...

although hindi yun ang first time na nagkahiwalay kami kasi 2 months pa lang kami noon nung pumunta sya ng boracay for 1 month... ang hirap pag magkausap kayo sa phone at alam nyong pareho kayong nakatingin sa buwan, pero ang layo ng distance nyo sa isa't isa...

ang hirap din pigilin ng luha nung umuwi ako sa pilipinas galing bahrain. hindi ako makalingon sa kanya dahil alam kong tutulo lang ang luha ko pag lumingon pa ko uli.

yan ang mga moments na nagpapaalala sakin kung gano ako kaswerte at kasama ko ang asawa ko ngayon. naranasan ko na kung gano kahirap pag malayo kayo sa isa't isa. super hirap, kaya maraming nagbe-break dahil hindi mo maiiwasang masaktan sa simpleng katotohanan na malayo sya sayo.


pero aside from those things, marami din akong naalalang magaganda. yung first kisses, yung super sweet na first few months... nung hinahatid nya ko sa lyceum..

pero pag naaalala namin ang past, walang makakatalo sa 'kung pano kami nagkakilala'... kahit paulit ulit di namin maiwasang mapangiti at kiligin pag naalala namin yung unang beses kaming nag usap...

summer non, kaya asa labas ako ng bahay ng tita ko, me semento kasi doon na mahilig namin upuan ng mga kaberks... at napadaan sya.

siguro isang linggo na kaming nagkikita pero hindi kami nag-uusap. kaya nabuo ang pangalang bambi starlight dahil alam ng mga pinsan ko na crush ko sya. so dapat me code name! sya ang pinakamaingay sa court, pinakamakulit at pinaka-cute! hindi nya ko nilalapitan kaya naisip kong magpatono ng gitara para lumapit sya. naks, me tactics! anyways hindi pa rin sya lumapit dahil kuya nya na ang andon... nahiya daw sya. ngayon lang nya inamin na gusto nya rin palang makipag-usap...

so pagdaan nya, buti na lang medyo lasing sya, kasi kung hindi, alam kong di sya hihinto sa tapat ng bahay ng tita ko. dahil sa alak syempre... confident na sya nung gabing yon. pero hindi sya smelly no...

summer non ha, pero nanginginig ako sa lamig... ganon pala yun. hindi ko makakalimutan kung ano yung naramdaman ko nung gabing yon, kasi di ko na sya uli naramdaman kahit kelan sa buhay ko. kaya napaka-magical ng gabing yon para sakin. kahit nag usap lang naman kami.

don nya ko tinanong kung pwede nya ko sunduin sa lyceum. at dun na kami nag umpisa. ang sarap ng may nanliligaw sayo no? me nagpapasalubong ng siopao, me nagse-save ng upuan, me tagapaypay ng lamok...

siguro sinagot ko sya after two weeks. para sakin ang bilis non, pero at that time alam kong first and last love ko na sya.

sabi nya, yun ang mga moments na hindi nya mapigilang mapangiti pag naaalala. nakikita nya na kasi ako simula bata pa lang. crush nya na nga ako non e.. pero nung lumalaki na kami hindi na kami masyadong nagkikita kasi sa nanay ko kami tumira. mga ilang street lang naman ang layo pero hindi katulad ng sa tatay ko kami nakatira na ilang bahay lang ang layo namin sa kanila.

pwera na lang pag uwian ko nung highschool, pag napapadaan ako sa court nila pauwi samin, lagi nyang tinatanong ang pinsan ko. lagi lagi. 'tin, si bonbon?' ang lagi kong maririnig habang nagbabasketball sya. akala ko gusto nya lang talagang malaman kung anong nangyayari sa kuya ko na kaklase nya dati, pero style nya lang daw pala yun.

tomboy ako non, at galit sa mundo. kaya hindi ko sya pinapansin. kung alam ko lang na sya pala ang mapapangasawa ko at magiging tatay ng anak ko, ano kaya ang ginawa ko?


nung college kinuha uli kami ng papa ko. at di na ko tomboy non haha. kaya nya ko napansin dahil rugged daw ako manamit, at ang ganda ng buhok ko, zenki nga ang tawag nya don. pero higit sa lahat, ang simple simple ko daw.

nung una nya uli akong nakita, paalis ako ng bahay ng tita ko, dahil dun kami nirelocate ng papa ko, sa bakanteng kwarto don. sabi nya nung paakyat ako ng court noon ang moment na hindi nya makakalimutan. dahil nagbabasketball daw sya at pagbaba ng tingin nya pagkatapos nya magshoot, ako daw ang nakita nya. sabi nya 'aba... gumanda sya!'... saka sya tinamaan ng bola dahil sa kakatingin sakin.

nung nag usap kami sa tapat ng bahay ng tita ko, hindi rin daw nya maiwasang kiligin pag naaalala nya yun. lalo na yung part na binabato ko sya ng papel... parang bata no.

ang dami naming theme songs. mga isang buwan pagkatapos ko syang sagutin nagdala sya ng napalaki ang napakalumang song book na ang daming magagandang kanta. lagi kaming naggigitara at nagkakantahan non.

pag me lakad ang tropa, lagi kaming magkasama. swimming lagi yun sa laguna. o di kaya sa batangas.

siguro me mas romantic pang love story kesa samin, pero lagi kong sinasabi, kahit papiliin ako ng ibang buhay, ito pa rin ang pipiliin ko dahil alam kong darating sya sa buhay ko...

alam ko mahaba pa ang panahon at marami pang pwedeng mangyari. pero in seven years na kasama ko sya ang pinakamasaya sa buhay ko...

*excerpts from my pretty mixed-up life*|11:20 AM|

[[ rEbELLE hEaRt ]]

female + leo + brown eyes + black hair + lover + fighter + listener + whiner extraordinaire + clumsy + emotional + private + quiet + fickle + wanderer + big dreamer + loner + reader + writer + graphic designer + artist - charcoal, watercolor, pencil, illustrator & photoshop + scribble freak + anti-procrastinator + unpredictable + reliable

[[ mY LifE ]]

has a very baaad memory + a big scaredy-cat + creatively inclined, but terribly unmotivated at times + efficient whenever passionate + skeptical sometimes + want to learn how to drive + college dropout (hahaha!) + most of the time confused + angsty + believes in karma + thinks bambi is yummy + blaring headphones when working resulted to inability to hear people sometimes + laid back + forget faces, remember names + has mild oc tendencies + trying to escape reality at most times + still looking for inner peace + terribly afraid to see supernatural things

[[ mY mEss ]]

shopping + sleeping + drawing + hp + green tea + cold pizza + pasta + fries + jackie chan + fight club + hale + pucca + r&b, soul & acoustic - not a music-lover, but a sound-tripper + candles + photography + guitar + painting + charmed + itunes

[[ mY buSiNEss ]]

life goals... to kick ass and drive a 2-door m&m-yellow-colored lancer

[[ previous posts ]]


[[ ...& aLL soRts of cRap in BetwEEN ]]



[[ History ]]

  • july 2004
  • august 2004
  • september 2004
  • october 2004
  • november 2004
  • december 2004
  • january 2005
  • february 2005
  • march 2005
  • april 2005
  • may 2005
  • june 2005
  • september 2005
  • november 2005